misstheaD
Ang bersyon na ito ay nananatiling tapat sa orihinal-inaayos lamang ang ilang gramatika upang mas maging malinaw at dama ang kwento. Isinulat ito ng isang labing-dalawang taong gulang na batang ako-at ngayon, muling binuhay upang bigyang-halaga ang unang istoryang tumibok sa puso ko bilang manunulat.
Ito ang pahina ng alaala-ng unang pagkabighani ko sa mga tauhan kong ako mismo ang lumikha, ng mundo kong ako rin ang humubog. Hindi ito perpekto, pero totoo. Sa bawat salita ay may bakas ng batang umibig sa pagsusulat, at ngayon, nais ko siyang pakinggan muli.
Ang kuwentong ito ay umiikot sa dalawang magkaibigang pinaglaruan ng tadhana, mga pusong sinubok ng pagkakataon ngunit handang suungin ang lahat maibalik lamang ang lahat sa pinagmulan at sa pag-ibig na dati'y likas at walang alinlangan. Sa pagitan ng mga alaala at pananahimik, muli nilang haharapin ang tanong-paano kung ang dati ay hindi na kayang maging ngayon?
Paalala : Lahat ng larawang ginamit para sa aesthetic o visual inspiration ay pagmamay-ari ng kani-kanilang may-akda. Wala pong intensyong lumabag sa copyright. Nakuha ang mga litrato sa Pinterest.
Kung isa sa mga larawan ay iyo at nais mong ito ay tanggalin o mabigyan ng tamang kredito, mangyaring ipaalam lamang po sa akin.