dayang_makiling
Matapos ang makakasaysayang labanan sa pagitan nina Bathala at Ulilang Kaluluwa, umusbong ang isang mabagsik na nilalang na may wangis na isang dragon. Ilang panahon itong nagtago sa pinakailalim na bahagi ng karagatan, at nang maka-ahon ito ay isa lamang ang nasa isip- ang maangkin ang mundo.
Sa kagustuhan nitong makapag-higanti at mag-ipon ng sapat na lakas, isa-isa nitong kinain ang mga diwata ng buwan.
Ngunit sa sandaling kakainin na niya ang natitirang buwan, nakialam na ang mga lahi nina Malakas at Maganda. Sa pamumuno ng isang ordinaryong tao, magawa kaya ni Lakan na magapi ang dambuhalang halimaw?