author_ild
Si Azzistiah at si Elthon ay magkasintahan noong high school yung klase ng pag-ibig na akala mo wala nang katapusan. Sabay nag-aral, sabay nangangarap, at sabay na naniniwala na sila ang magtatapos sa isa't isa.
Pero minsan, hindi sapat ang pagmamahalan. Dahil sa pamilya, distansya, at maling timing, napilitan silang maghiwalay bago pa man sila magtapos. Walang malaking away, walang samaan ng loob at may kunting panloloko lang at sinabayan pa ng tadhana na mas matindi kaysa sa pangako nila sa isa't isa.
Si Elthon ay kinasal at may anak na isang lalaki ngunit Ang kanyang asawa ay namatay din pagkatapos nitong isilang ang anak hindi man lang niya nakita ang anak o nahawakan bago mawala. Habang si Azzistiah naman ay graduate na sa kanyang kurso na Bachelor of Science in Criminology at ang tanong magkikita pa kaya silang dalawa?.
Makalipas ang sampung taon, muling nagkrus ang landas nila dahil sa isang pangyayari na hindi sinasadyang mangyari. Hindi sinadyang mabunggo ng anak ni Elthon Si Azzistiah habang ito ay tumatakbok nasa 2 dalawang taong gulang ang anak ni Elthon. Si Elthon, isa nang successful CEO ng Sage Company. Si Azzistiah, Isa naring successful na Pulis at halos sumuko na sa pag-ibig. Akala nila tapos na. Akala nila kaya na nilang magpakunwaring okay lang.
Pero isang pagkikita lang, bumalik lahat yung kilig, yung sakit, at yung tanong na hindi pa rin nasasagot: _"Paano kung tayo talaga?".
Sa muling pagkikita, unti-unting nabubuo muli ang kwento nila. Pero hindi na sila yung mga bata noon. Maraming sugat, maraming takot, at maraming taong kailangan nilang harapin bago nila piliin ang isa't isa ulit.
"I Married My First Love" ay kwento tungkol sa pangalawang pagkakataon, sa pag-ibig na hindi kailanman nawala, at sa tanong kung ang tadhana ba talaga ang naglayo sa kanila... o sadyang kailangan lang nilang lumayo para bumalik na mas handa.
Kasi minsan, ang unang pag-ibig hindi lang basta alaala. Minsan, siya rin ang huli.