Chrisheila88
Its already 1am, at hindi ako makatulog sa sobrang dami kong iniisip, Overthinker kung tawagin ng ilan, Bukod kasi sa hindi namin paguusap ng boyfriend kong ldr in a weeks, Iniisip ko din na paano kaya magkaroon ng bagong kaibigan? 2nd year college na ako and blended learning kami, Napapansin ko sa mga matatagal ko nang kaibigan may mga bagong circle of friends na sila na nameet nila ngayong college, magkakaiba kami ng Major kaya hindi ko sila nakakasama, Apat lang sila na since high school kaibigan ko, yung isa pa dyan hindi ganon kaclose, Tuwing exam namin sa school andami nila laging kasama na bagong new friends samantalang ako napapanis na ang laway sa room dahil walang kaimikan, Okay lang naman talaga sakin but I felt lonely, Feeling ko nagiisa ako, since high school ni hindi man lang ako nagkaroon ng bagong kaibigan kagaya nila, Ang messenger ko maingay lang pag kasagsagan ng acads pero after nun wala na, sobrang tahimik wala man lang nakakaalala, Nakakapagod din palang magisa, Ewan ko anong mali sakin, ngumingiti at nakikipagusap naman ako sa mga tao, Inaapproach ko naman sila, But alam mo yun parang walang gustong makisama, Ano bang mali? From a student leader in high school to worthless student in College.