"I love you Andrea and I promise that your heart will always be mine." kinalabit ko na ang gatilyo ng baril. Rinig ang putok ng baril sa buong kagubatan at sa magandang waterfalls na nakasaksi ng pangyayari. Kinuha ko ang red swiss knife ko na sinaksak ko ulit sa kaliwang dibdib niya at kinuha ang puso niya. Inilagay ko ang puso niya sa isang jar na may yelo at inilagay ko sa isang maliit na cooler. Si Andrea Janeth Preito ay ang pang pitong babaeng minahal ko. Takot ka bang iwan ng taong mahal mo? Takot ka bang ibigay ang puso mo sa isang tao? Naranasan mo na bang iwanan at saktan ng taong mahal mo? Anong gagawin mo kung isang araw dumating yung The One at nangakong hindi ka niya iiwan kaso isang malubhang karamdaman naman ang maghihiwalay sainyo? Makikipaglaban ka pa ba kay kamatayan o susuko na lang? Ito ang mga katanungan na kailangang hanapan ng sagot ni Jonnas.