My Heart Belongs To You (Part 1) *ONE SHOT*

46 3 0
                                    

"Jonnas... I love you. And I will give you anything you want."

"Anything?"

"And everything..." She huskily whispered to me as she look into my eyes with lust and love. Napa ngisi naman ako sa sinabi niya. Ayun na ang cue ko para gawin ang lagi kong ginagawa sa mga babaeng katulad niya.

"Well, ang gusto ko lang naman ay ang puso mo." Pagkatapos kong sabihin yon ay kinuha ko na agad ang red swiss knife ko na kinagulat niya. Magpupumiglas sana siya ngunit tinutok ko na agad ang swiss knife ko sa leeg niya papunta sa dibdib niya.

Lumapit ako sa tenga niya at bumulong, "Your heart belongs to me." Sinaksak ko agad ang swiss knife ko sa kaliwang dibdib niya. Tumulo agad yung dugo niya. Napasandal siya sa akin at dahan dahan ko siyang inihiga sa sahig. Napansin kong kasabay ng pagtulo ng dugo niya ay may iba pang likidong tumutulo. Umiiyak siya. Tss... hindi na ako naaawa, walang epekto sa akin yang pag iyak niya. Sayang lang ang mga luha niya.

"Umiyak ka sa sakit babe mawawala din yan dahil hindi mo na mararamdaman ang sakit mamaya, pangako." Hinawi ko ang buhok niya na nakaharang sa maganda niyang mukha.

"B-bakit? ... b-bakit?" Napa ubo siya na may kasamang dugo.

Nainis ako sa tanong niya kaya tinanggal ko bigla yung swiss knife ko na nakasaksak sa kanya at napasig siya sa sakit. Tumayo ako at ginulo ko ang buhok ko sa inis.

"Diba sabi mo i-ibigay mo ang gusto ko?!!!" Sigaw ko sa kanya sabay turo ng kutsilyo sa kanya.

Umiiyak pa din siya sa sobrang sakit at takot. Namumutla na siya dahil nauubusan na siya ng dugo. Lumuhod ako sa harap niya.

"Shh... Shh... hindi ko na papatagalin pa ang pangako ko sayo." Kinuha ko ang baril ko na nakaipit sa waistband ko at itinutok sa sentido niya.

"I love you Andrea and I promise that your heart will always be mine." Kinalabit ko na ang gatilyo ng baril. Rinig ang putok ng baril sa buong kagubatan at sa magandang waterfalls na nakasaksi ng pangyayari. Kinuha ko agad ang red swiss knife ko na sinaksak ko ulit sa kaliwang dibdib niya at kinuha ang puso niya. Inilagay ko ang puso niya sa isang jar na may yelo at inilagay ko sa isang maliit na cooler. Si Andrea Janeth Preito ay ang pang pitong babaeng minahal ko.

Lumapit ako sa ilog at hinugasan ko ang red swiss knife ko. Naligo na din ako sa ilog para mawala ang dugo ni Andrea. Pagkatapos ay binuhat ko siya papunta sa ilog. Nilapag ko siya sa may gilid ng ilog at inihubad ko ang t-shirt ko at binasa at pinunas ko kay Andrea. Pinunasan ko siya hanggang sa malinis na siya at wala nang dugo ang katawan at mukha niya. Ang ganda pa din niya at mukha lang siyang natutulog. Hinalikan ko ang pisngi niya.

"Good night babe."

Tsaka ko kinuha ang gasolinang nakatago sa likod ng isang puno at ipinaligo ko kay Andrea. Kinuha ko ang lighter ko at inihagis sa kanya. Nasunog agad siya. Kinuha ko ang cellphone niya at nagtext sa mga magulang niya na nakipagtanan na siya sa ibang lalaki at nakipaghiwalay na siya sa akin. Pagkatapos na maisend ang text na yun sa mga magulang niya ay inapakan ko ang cellphone niya at inihagis ang sira sira nitong mga parte sa apoy. Umalis na ako pero siniguro ko muna na wala nang natitirang ebidensya tungkol sa pangyayari.

Hindi ako nakakaramdam ng awa, lungkot o nakokonsensya sa ginawa ko. Ginawa ko lang yun dahil ayokong may makaagaw sa mga taong mahal ko, kaya kinukuha ko ang mga puso nila dahil para lang sa akin ang mga puso nila. Sa akin lang at wala ng iba. Takot akong maagawan ng taong mahal ko, selfish ako. Ayoko lang namang ma tulad sa ama ko na naagawan at nawalan ng taong mahal niya. Iniwan siya ni mama, iniwan niya ako nung 9 years old pa lang ako. Sumama siya sa ibang lalake at iniwan niyang nagdurugo ang puso ni papa. Simula ng umalis siya walang ginawa ang papa ko kundi ang lunudin ang sarili niya sa alak gabi-gabi at iiyak ang sugatan niyang puso na umaasa pa din na babalik ang mama ngunit kahit kailan hindi na bumalik si mama o magpakita man lang sa amin. Lumala ang pag iinom ni papa hanggang sa araw at gabi ay wala na siyang ginawa kundi ang uminom at kapag pinipigilan ko siya ay sinasaktan niya ako. Sa akin niya binubuhos ang sakit at galit niya kay mama. Ako ang sinisisi niya sa pagkawala ni mama dahil anak lang daw ako sa labas. Alam kong hindi totoo yun dahil anak ako ni mama at hindi anak ng isang bayarang babae para sa isang gabing kasiyahan.Dalawang taon kong tiniis at tinago ang mga pasa at sugat na gawa ng pang aabuso sa akin ng ama ko. Hindi ko iniisip o tinangkang iwanan si papa dahil mahal ko siya.

My Heart Belongs To You (Part 1) *ONE SHOT*Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon