Minsan may mga pagkakataon na kailangan nating mahiwalay sa isang tao. Para na rin sa sarili nating kabutihan at ikakauunlad bilang isang indibidwal. Pero pano kung pati alaala niyo ay paglaruan ng tadhana? Pano kung yung taong akala mo ay wala lang, ay isang napakalaking parte pala ng buhay mo? Pano kung ang mga nawalang alaala na yaon ay syang susi sa pagkabuo mo? Maari pa kayang maging isa ulit ang pinaghiwalay? May pag-asa pa ba ang lahat? Maibabalik pa kaya ang mga nawala at nalimutang pagkakataon?