Si Faith Eurika Alonzo ay isang babae na palaging maaasahan, kayang isakripisyo ang lahat at kayang magpatawad ng paulit-ulit. Kakayanin kaya niyang isakripisyo ang pagkakaibigan? Kaya niya bang magpatawad ulit kahit ilang beses na? Sa oras na nanliliit na siya sa sobrang pagmamahal na binibigay niya, susuko na kaya siya? Pakiramdam niya sinumpa siya ng langit at lupa sa lahat ng naranasan. Na kahit 'yong taong inaasahan niyang nandiyan ay siya pa ang taong humila sa kaniya pababa. Karapat-dapat pa din bang panghawakan ang mga pangako kahit na unti-unti ka ng nadudurog sa pagmamahal na akala mo makakabuti pero nakakalason pala ng puso?