Isang magandang tanawin kung ikaw ay ilarawan. Matikas, at laging agaw pansin kahit walang ginagawang anuman. Nangugusap na mata, namumulang labi, at ang halimuyak mong di malilimutan, Kailanman Nakakabingi ang tili ng iyong mga tagahanga Lahat sila umaasang isang araw mabigyan mo ng halaga Ngunit gaya ng isang taong labis ang pagibig sa sining Wala kang panahon upang silay bigyan ng pansin Maraming nagsasabi bakit hindi na lang ikaw Bumubulong na pakinggan ko ang salin ng sayaw Ligaya ang pangako ng nagbabadyang tukso Ngunit alam kong impossibleng maging ikaw at ako Dahil batid ko sa aking sarili Kahit gaano pa man nakakasabik ang maaaring mangyari Hindi pa rin ako liligaya ng gano't ganoong nalang Dahil batid ko sa puso kong siya at siya lang Sa aking paggising siya ang unang naalala Kanyang haplos ang ibig na madama Mga ngiting ipininta alay lamang sa aking sinta Hindi kailanman mapapantayan ng kahit na sinong pinagpala Inaamin ko, ako'y isa sa mga babaeng titili sayo Pero ako'y napapangiti nalang, pinipigilan ang sarili ko Dahil hindi ito sapat para ipasawalanghalaga ko Ang wagas at tunay na pagibig alay nitong kaibigan mo Mahal ko siya at wala ng iba Nangako ako sa sarili at sa kanya Habang buhay ay magiging katuparan Magpasawalanghanggan Para sayo gwapong kaibigan ng aking kasintahan Nadarama'y akin ng pinigilan bago pa man ito simulan Paalam na sa sandaling aking nahalinuha na maaaring ikaw at ako Salamat dahil sayo nalaman kong pagmamahal ko sa kanya'y higit na totoo.