What are the perks of having a pretend lover? Para kay Lynn, ang madala si Hyun sa high school reunion upang magpanggap na fiance niya ay isa na siguro sa pinakamasayang moment sa buhay niya. Sigurado siyang kaiinggitan siya ng mga plastik na kaklase na walang alam gawin kung hindi gawing miserble ang high school life niya. Now with Hyun, posing as her lover, maglalaway sigurado ang mga iyon. Hyun is a trophy husband material. Matalino, gwapo at higit sa lahat mayaman. Bulag lang ang hindi siya kaiinggitan. Para kay Hyun, having Lynn as his pretend girlfriend is a breeze. Hindi na siya kukulitin pa ng nanay niya para um-attend sa mga blind dates na hinahanda nito. But when one unexpected kiss led to a crazy night, mukhang kailangan yata i-review ang deal nila. #BakitDiNaLangTotohaninAngLahat ***** PARTE pa rin po ito ng Sweet Intoxication/Drinking Buddies Series. Hope you'll enjoy it. Don't forget to like and comment. Mwah3x!