PROLOUGE Si Kyeonah Salazar ay naatasan ng kanyang boss na paibigin si Tyrenz Sandoval ,hindi lang dahil masunurin ang dalaga kundi dahil narin sa pangangailangan sa pinansyal at upang maisalba ang kanyang bahay na tanging natira na lamang sa kanya ng namayapang magulang,hindi nya rin gagawin ang inatang sa kanya ng boss nyang si"Mr.LEE" kung hindi dahil sa Ama nyang inatake sa puso at namatay dahil sa biglaang pagbagsak ng kanilang kompanya.Ang pagkakaalam ng karamihan ay ang pamilyang Sandoval ang may kagagawan nito kaya agad napapayag ang dalaga sa pagpapaibig kay Tyrenz Sandoval.Hindi lang ang pagpapaibig kay Tyrenz ang trabaho nyo kundi ang wasakin din ito upang maging miserable ang buhay ni Tyrenz Sandoval. Ano kaya ang mangyayari kay Kyeonah?Sya ba ang huhuli sa bibitagin nya o sya ang mahuhuli ng kanyang bitag.