Normal para sa lahat ng tao ang panaginip. Sinasabi na ang panaginip ay may iba't ibang kahulugan o interpretasyon. Minsan nananaginip tayo ng masaya, malungkot, nakakatakot at minsan halos hindi na natin maalala kung ano nga ba o tungkol saan ung napanaginipan natin. Minsan nga kahit gising nanaginip din tayo, nag-daydream tayo ng mga posible o imposibleng bagay sa isip natin. Halos makagawa na nga tayo ng sariling kwento sa isip lang natin, di ba? Pero paano pag ang napanaginipan ko ay isang tao na hindi ko naman kilala? 'Yung halos araw-araw ko siya napapanaginipan at doon na din kami nagkakilala. Idagdag pa na na-inlove ako sa kanya at ganoon din siya sa akin. Possible ba na sa panaginip ay mabuo ang love story namin? Possible ba na ang panaginip ko ay syang maging flow ng kwento namin? Possible ba na magkatotoo sya? Pero paano magigising sa realidad na walang siya? Na nabubuhay lamang siya pag tulog na ako. Na meron lang kami pag mahimbing na ang tulog ko. Na magkasama lang kami sa panaginip....