DREAM 1
"The topic of your research is about DREAMS. Deadline of submission is before you final exam and you need to work on it individually." seryosong sabi ni Ms. Patani. Our professor in Psychology 1 subject.
Biglang umingay ang room namin dahil sa sinabi ni Ms. Patani.
"Ayy, hindi by group?" pabulong na daing ko.
Halos ganoon din ang sinasabi ng mga classmates ko.
"Groupings na lang Miss?"
"Huhuhu.. bakit???"
"Tsk."
"Hala, grabe!"
"Ano ka ba Jake? Ayos lang 'yon para hindi tayo laging nakaasa sa iba." Sabi ng katapat ko na si Nicole sa boyfriend niya na si Jake na nasa tabi niya.
"Quiet!" Biglang tumahimik ang lahat. "You're all in college now. You should need to learn how to be independent! Your accomplishments should not depend with others. Remember that. Class dismiss!"
Bigla na ulit nag-ingay at nagkagulo ang mga kaklase ko at kanya kanyang labasan na din ng room pag-alis ni Ms. Patani
"Tara na, Micay! Naku, bakit may paresearch research pa kasi. Makakatulong ba iyon sa ekonomiya ng bansa. Haays!" hinaing ng bestfriend ko na si Lexi habang nakatayo na sa tabi ng upuan ako at inaantay ako.
"No need to be bothered. Eh wala naman tayong magagawa. Kahit anong reklamo natin dito gagawin pa din naman natin yan. Ano gusto mo bumagsak at i-repeat ang subject na ito o gagawa na lang?" saad ko habang busy ako sa pagliligpit ng mga gamit ko.
"Tss. Ayan ka na naman eh. Hindi ka na lang makisama sa mga hinaing ko."
Sa paraan ng pagsasalita niya alam ko na nakataas ang kilay niya kaya napangiti na lang ako.
"I don't see any reasons kasi why you need to react like that. Though, I also like to do it with groups, para mas madali matapos. But I think it is easy and actually, the topic is so simple naman." Paliwanag ko.
Hindi makapaniwalang tingin ang pinakita niya sa akin.
"Ewan ko sayo. Pa-conyo-conyo ka pa dyan. Tara na nga, kumain na muna tayo."
Natawa na lang ako sa kaartehan niya. Well, bagay naman sa kanya dahil may karapatan naman siya mag-inarte dahil sa taglay na ganda niya.
Natural ang ganda niya, morena at ang nakakatawag pansin talaga sa kanya ay ang 5'7" na height niya. Pwede nga siyang sumali sa mga pageant kung gugustuhin niya kaso sadyang wala siyang hilig.
Bumagay sa bilugang mukha nya ang kanyang bilog na mata, maliit pero matangos na ilong samahan pa ng natural na pula ng kanyang labi na talagang nakakatawag pansin lalo na sa mga kalalakihan. Hindi lang sa batch namin kundi sa buong campus. Sikat na sikat siya kahit noong nasa high school pa lang kami.
We are freshmen college student here in Southeastern University and taking up BS Psychology.
Nasa midterm period na kami ngayon at simula ng magsimula ang pasukan, marami na ang umaalialigid kay Lexi. Alam ko kinuha na din siyang muse para sa intramurals this semester. Baka daw kasi may kumuha pa na ibang group.
It is so easy to mingle with her. Almost everyone can easily approach her which is an exact opposite of my personality.
Sadyang tahimik ako at hindi mahilig makipag-socialize sa ibang tao. Mas gusto ko pang tumambay sa library kaysa gumala sa mall. Pero dahil sa kakulitan at kakapilit sa akin ni Lexi minsan ay wala na lang akong choice kundi samahan siya lalo na pag nag-umpisa na iyong bibig niya sa walang tigil na kakasasalita.
BINABASA MO ANG
Dreaming of You
General FictionNormal para sa lahat ng tao ang panaginip. Sinasabi na ang panaginip ay may iba't ibang kahulugan o interpretasyon. Minsan nananaginip tayo ng masaya, malungkot, nakakatakot at minsan halos hindi na natin maalala kung ano nga ba o tungkol saan ung n...