Nanirahan si Charlene malayo sa piling ng mga magulang para tuparin ang mga pangarap at para makalimot sa masakit na nakaraan ngunit hindi niya akalaing sa muli niyang pagbabalik ay muling ring magbabago ang takbo ng kanyang buhay. Nakilala niya ang isang binatang may simpatikong ngiti at sa loob lang nang isang sandali ay nagawa nang patibukin nang mabilis ang kanyang puso. Pero sadyang matigas ang ulo ng dalaga, nilalabanan niya ang nararamdaman subalit sadya yatang nakatakda nang magbago ang maraming bagay sa buhay niya dahil paulit-ulit rin silang pinagtatagpo ng lalaki. At alam ni Charlene na unti-unti nahuhulog na siya sa binata. Pero kaya ba niyang harapin ang nakaraan para sa kasalukuyan? Is she ready to fall in love again? To face the pain once more?