Prequel of Babysitting the Brat (Lia Imperial's parents story) Cover by @Coverymyst Ayaw ni Nadielyn sa ideya na muling magpakasal ang ina sa ibang lalake matapos mamatay ang kanyang ama. Kaya pinapili niya ito. Siya o ang bagong lalake sa buhay nito. Mistulang nagtengang kawali lang ito sa kondisyon niya dahil nagpakasal pa rin ito. Sa sobrang sama ng loob ay napilitan siyang maglayas. Napadpad siya sa poder ng dati niyang yaya. Bagong mundo ang sumalubong sa kanya dahil malayo iyon sa marangyang pamumuhay na nakasanayan niya. Hindi niya alam kung paano makiayon lalo na at makakasama niya sa iisang bubong ang anak nitong ubod ng antipatiko na si Danilo Imperial. Ang masungit na binata. Uubra kaya ang katarayan niya lalo na kung sa kagwapuhan at malagkit na titig palang nito ay tumitiklop na siya?