(Second book of Majestic Series) Bieze Carleigh Consulacion. A simple girl with a forbidden power. Lumaki na parating tumatakas, tumatakbo, at nagtatago mula sa mga nilalang na gustong kunin ang mga tulad nila. Bago mawala sa kaniya ang natitirang pamilya niya, sinabihan siya nito na siya na lang ang natatanging pag-asa ng mundo nila. Kasabay ng banta nito na mag-ingat sa paggamit ng kakayahan niya dahil maaaring siya ang magligtas sa lahat o siya ang sunod na katatakutan ng lahat. Sa ilang taon na pagtakas, pagsasanay nang patago, mapupuno ng mga katanungan ang isip niya. Paano niya ililigtas ang mundong hinahanap sila para patayin? Bakit niya ililigtas ang mundong ilang taon na nilang tinatakbuhan? Bakit niya gugustuhing bumalik sa mundong kinuha ang lahat mula sa kaniya? Nang malaman niya ang katotohanan tungkol sa tita niya, nagkaroon siya ng rason para pasukin ang mundong kinabibilangan niya. The Majestique that is now in chaos and being controlled by the evil manipulative king. Kasama ang mga bago niyang kaibigan, magawa niya kayang alisin ang kaniyang takot sa paggamit ng kakayahan niya? Magawa kaya nilang talunin ang hari para mabalik ang kapayapaan sa mundo nila? Let's join Bieze and her friends as they train to defeat the evil manipulative king and as they bring back the warmness of care and love in their world now covered in cold violence and chaos.