Namuhay at lumaki ng masaya munit musmos si Rebecca Valesco o EKANG na mas kilalang pinakamaganda at pinakamatalino 'kuno' sa buong probinsya nila. Hindi uso noon sa kanya ang pag-aaral dahil natutok ang kanyang atensyon sa pagtatrabaho upang makatulong sa kanyang Lola Kekang na nagtitinda ng gulay sa palengke. Pero kahit hindi uso 'yon, aminado siya sa sarili na geniuses siya dahil 'yon daw ang sabi ng Lola niya. Sa hindi inaasahang oportunidad, may nag-alok sa kanya ng trabaho sa Maynila bilang isang maid at kalauna'y naging alalay siya ng may-ari ng isang sikat na kumpanya. Sa kasamaang palad, mukhang napunta siya sa isang amo na kung saan pinaglihi sa sama ng loob na si Luxus Lewiston o mas kilalang pinaka-ulala na bebe sa syudad ng Maynila. Chos! Sa pamamagitan ba ng oportunidad na ibinigay sa pretty na at genius pa na si Ekang ang babago sa buhay niya? Sa pagkakataon ba na ito ay malalaman niya na ang katotohanang hindi talaga siya genius at pretty kundi super duper genius at pretty? Sa oras na ito ba ay ineechos ko lang kayo? Well, echos pa rin. ANG ALALAY KONG BOBITA. Ang genius in the inside and pretty in the inside too. Aangal ka? Sabi 'yan ng Lola niya. Date Written Started: May 17, 2019