Maari nga bang madevelop ang feelings online? Nang dahil lang sa isang dating site maaari nga bang lumago ang nararamdaman? Posible bang magmahal ng taong ni minsan hindi mo pa nakasama pero lagi mong kausap? Pwede ba? Kasalukuyan akong nakatayo sa unahan ng mga nagsisigawan at tumatalon na mga tao. Dahil iyon sa mga nakatutunaw na musika ng bandang Hale. *Tug dug tug dug* Kay lakas ng kabog ng aking dibdib, tila gusto na nitong lumabas. Sino ba namang hindi mag huhuromentado ang tibok ng puso sa lalaking katabi ko ngayon? Ang bango nya. Pero ni minsan ay hindi ko sinubukang salubungin ang kanyang mga mata, para ako nitong hinihigop, na kapag nadala ako ay wala na akong kawala. Sinong hindi kakabahan sa lalaking kasalukuyang dahilan ng pag punta ko dito sa concert na 'to? Kasi naman, ni hindi ako makatingin sa kanya ng maayos. Ni hindi ko sya masimplehan kasi baka mahuli ako pero huli na ng maisip ko yon. Nakailang nakaw ako ng sulyap sa kanya pero agad nyang nahalata iyon at humarap sakin. Biglang akong nag panic, sa sobrang hiya ko ay napatalikod na lamang ako sa kanya para itago ang namumula kong mukha. Bakit ganito katindi ang epekto ng mga tingin mo sakin? Ang kwentong itoy ginawa upang mabigyan ng isang magandang pag aalaala ang istorya ng dalawang taong may parehas na nararamdaman sa kasalukuyang panahon. Ating samahan ang dalawang taong naghahanap ng pagkabuo at kasiyahan, pinagtagpo ngunit sila ba'y tinadhana? "Ang pag puna sa gawa ng iba ay kailanman hindi naging katanggap tanggap, sa paningin ng tao at lalo na sa paningin ng Diyos." -yllyssy Date: May 11, 2019
1 part