all chapters are available here on wattpad.
una po, this was published way back in 2010. ito ang first premium ko. medyo nangangapa pa ako dito (as if ngayon hindi na 'ko nangangapa XD) anyway, raw ang version na ito, ako lang ang nag-edit. ang technology na gamit ng mga characters ay outdated na (flip phone, anyone XD).i was a different writer back then, a different person, ahahaha, ang dami kong excuse. anyway, i hope you still enjoy this story. 'yun lang. ^_^. and yes, tatapusin ko ang k'wentong ito rito sa wattpad ^_^ sana magustuhan niyo si laura at brent :D
"Marrying me is the best way out of all your money problems, Laura," confident na sabi ni Brent Julian Gomez. "Hindi mo kailangang magtrabaho, mapapagamot mo ang mama mo at mababayaran ninyo ang utang n'yo. You can even finish your studies. You can finally get out of your pathetic life, matutulungan mo pa akong makuha ang mana ko."
Naiintindihan niya ang sitwasyon nito. Imbis kasi na si Brent, siya ang piniling pamanahan ng ama ng binata. Gayunpaman, nainsulto siya sa panghahamak ng kaharap. "I'm sorry about your inheritance, but I'm going home."
Hinagip nito ang braso niya bago pa siya makalayo.
"Magpakatotoo ka, Laura. I can give you a better life." Sarkastikong ngumiti ito. "Hindi lang material na bagay ang kaya kong ibigay sa 'yo, I can give you physical pleasures as well."
Wala siyang alinlangan sa huling bagay na iyon. Kanina lang, napatunayan ni Brent na kaya nitong ipalimot sa kanya ang lahat sa pamamagitan lamang ng mga halik. But still, hindi siya martir para magpamanipula nang gayon sa binata....
Magkaibang magkaiba sina Reira at Simon Ker. Si Reira ay positibo, lumaki sa isang masaya at mapagmahal na pamilya at pasko ang paboritong holiday. Habang si Simon Ker naman ay ubod ng sungit, may hindi magandang alaala ng kanyang kabataan at ayaw sa pasko. Sa unang tingin ay isang bagay lang ang tila ugnayan ng dalawa - iyon ay ang pagiging regular customer ng binata sa restaurant na pagmamay-ari ng pamilya ni Reira.
Hanggang makilala ni Reira ang lolo ni Simon Ker at marinig ang kwento ng pag-ibig ng matanda. Sa tulong ng love letters at journal nito na pinakupas na ng panahon, desidido si Reira na hanapin ang first love ni lolo Flor bilang regalo rito sa pasko. E ano kung hindi sangayon ang binata? Hindi rin naman nito natiis na hindi sila tulungan sa paghahanap.
Along the way ay hindi na lamang ang love story ni lolo Flor ang naging laman ng isip ni Reira. Lalo at unti-unti niyang nadidiskubre ang dahilan ng komplikadong personalidad ni Simon Ker. At na hindi lang naman pala puro sungit lang ang mayroon ito. That he can also be caring and... lovable. Bigla ay hindi na lamang ang lolo nito ang gusto ni Reira na bigyan ng masayang pasko. Mas higit niyang nais pasayahin ang binata. Gusto niyang... mahalin siya nito.
Pero dahil sa isang pangyayari ay sinabi ni Simon Ker na nagsisisi itong nakilala siya nito. Hindi na nga siya minahal, nagalit pa sa kaniya. Mukhang si Reira tuloy ngayon ang makakaranas ng malungkot na pasko.