Magkaibang magkaiba sina Reira at Simon Ker. Si Reira ay positibo, lumaki sa isang masaya at mapagmahal na pamilya at pasko ang paboritong holiday. Habang si Simon Ker naman ay ubod ng sungit, may hindi magandang alaala ng kanyang kabataan at ayaw sa pasko. Sa unang tingin ay isang bagay lang ang tila ugnayan ng dalawa - iyon ay ang pagiging regular customer ng binata sa restaurant na pagmamay-ari ng pamilya ni Reira. Hanggang makilala ni Reira ang lolo ni Simon Ker at marinig ang kwento ng pag-ibig ng matanda. Sa tulong ng love letters at journal nito na pinakupas na ng panahon, desidido si Reira na hanapin ang first love ni lolo Flor bilang regalo rito sa pasko. E ano kung hindi sangayon ang binata? Hindi rin naman nito natiis na hindi sila tulungan sa paghahanap. Along the way ay hindi na lamang ang love story ni lolo Flor ang naging laman ng isip ni Reira. Lalo at unti-unti niyang nadidiskubre ang dahilan ng komplikadong personalidad ni Simon Ker. At na hindi lang naman pala puro sungit lang ang mayroon ito. That he can also be caring and... lovable. Bigla ay hindi na lamang ang lolo nito ang gusto ni Reira na bigyan ng masayang pasko. Mas higit niyang nais pasayahin ang binata. Gusto niyang... mahalin siya nito. Pero dahil sa isang pangyayari ay sinabi ni Simon Ker na nagsisisi itong nakilala siya nito. Hindi na nga siya minahal, nagalit pa sa kaniya. Mukhang si Reira tuloy ngayon ang makakaranas ng malungkot na pasko.