#1 Kung kaya mong mabuhay nang paulit-ulit sa iba't ibang henerasyon, kaya mo ring tutukan ang bawat sikretong nakatago sa mahabang panahon. Si Santino Ibarra ay naninirahan sa panahong walang sinuman ang may alam. Sa gabing humudyat sa kanya ang kalangitan, tatahakin nito ang kalyeng naglalaman ng mga isyu ng bayan. Mula sa Panahon ng Kastila, panahon ng Hapon, panahon ng panunupil ng iba't ibang dayuhan hanggang sa panahon natin ngayon. Ang kalyeng naglalaman ng sampung lagusan upang malaman ang mga masalimuot na karanasan ng mga Pilipino. Kalye Crisostomo. Bulag ang hindi makapagsalita, pipe ang hindi nakakakita. Date started: November 21, 2019 Date finished: January 10, 2020