Written: 2014 Ako si Ems. Bagaman mahirap ay naglakas-loob na pumasok sa Hannsen University. Harassed ang pakiramdam ko araw-araw dahil bukod sa working student ako, ang dami ring umeeksenang mga kontrabida sa buhay ko. Isang araw, nabunggo ako ni Chace Sadtler, ang transferee sa HU na naging instant celebrity dahil sa taglay niyang kaguwapuhan. 'Yon nga lang, para siyang taong-gubat dahil sa jungle daw siya lumaki. Kakaiba, 'no? Pero, uy, mula nang magkabungguan kami, parati na niya akong sinusundan. Kiligs. Nakakalimutan ko ang mga asungot sa school tuwing magkasama kami ni Chace. Ang bait-bait niya sa akin at sa buong family ko. Ang saya na sana. Kaso, hindi ko akalain na magiging mas complicated ang buhay ko sa HU dahil sa mga naiinggit sa pakikipagkaibigan sa akin ni Chace. Dapat ko na lang bang layuan si Chace para tumahimik na uli ang mundo ko... kahit pa alam kong mami-miss ko siya nang sobra?