Sa malawak na lupain ng mga De villa kung saan napakaganda at napaka aliwalas ng tanawin ay natanaw niya ang isang napaka gandang babae na ngayon lang niya nasilayan si Jillian shine De Villa, ang nag iisang anak at tagapagmana ng mga De villa ng lalapitan nya na ito ay bigla na lamang itong tumakbo palayo sa kanya na paramg takot na takot sa tao. Isang araw ng ipatawag sya sa mansyon ng mga De villa upang ihatid ang mga produktong ani ng mga ito ay nakita nyang muli ang napakagandang babae at nakatingin din ito sa kanya ng masama. Hindi nya maisip kung bakit ganon na lamang ang tingin nito sa kanya. Kaya ng makita sya nito sa talon na kasama si kylie ay abot langit ang kaba nya. Dahil sa hindi magandang pangyayare pa nya ito unang nakausap.