Ito ang panahon na ang lalaki ang tanging may kakayahang pumili ng kanilang magiging kapareha. Ang mga lalaking tumungtong sa edad 20 ay kailangan ng pumili ng kanilang magiging girlfriend na siya namang kinasasabikan ng mga kababaihan. Walang karapatang tumanggi ang babae kung siya ay napili, samantalang maaari namang magpalit ng kahit ilang girlfriend ang mga lalaki. Dahil dito, desedido na si Kiko na hindi niya nais mapasa-kamay ng kahit sinong lalaki. Ngunit hindi niya lubos akalain na ang kaniyang pag-iwas ang magiging tulay para makilala niya ang pitong lalaki na babago sa takbo ng kaniyang tahimik na buhay. All Rights Served Written By: missblacknerdy