How can you 'unloved' the person? Iyong tao na nakasama mo sa lahat ng 'unang beses' na pangyayari sa buhay mo? Iyong tao na magparamdam sa'yo ng matinding pagmamahal? Iyong klase ng pagmamahal na hindi mo hiningi ngunit binigay sa'yo? Naniniwala ka bang nauulit ang minsang nangyari na? Paano kung tadhana na mismo ang gumagawa ng paraan para maulit ang nakaraan? Papayagan mo parin ba? Lalo na kung ang taong iyon rin ang dahilan kung bakit ka nasaktan? Iyong sakit na kahit kailan walang sinuman ang humiling ngunit sa'yo ibinigay? Kaya mo bang magpatawad para sa ikakasaya ng puso mo? Para sa ikakasaya ng mga tao sa paligid mo? Kaya mo bang magpatawad ng taong ang sariling pamilya ang dahilan ng paghihirap mo? Hanggang saan aabot ang galit na iyong nararamdaman? Hanggang kailan mo matitiis ang puso mong, walang ibang hinangad kung hindi ang bumalik sa taong minsan mo ng minahal? Kaya bang alisin ng pagmamahal ang pusong wasak, galit at patuloy nasasaktan? Kaya bang pawiin ng pagmamahal ang sakit sa nakaraan?