(ON-GOING) BAD BOY SERIES #2 Dulot ng pagkamatay ng mga magulang ni Shiyoon, namulat siya sa marahas at madilim na katotohanang nagtatago sa mundo. Naging palahingahan niya ang apat na sulok ng selda at walang takot na makipaghabulan sa kamatayan para masingil ang taong gumawa ng kahayupan sa kaniyang pamilya. Sa gitna ng kaniyang misyong tugisin ang taong may pakana ng kaniyang madilim na pinagdaanan, nagtagpo ang kanilang landas ng taong hindi niya tiyak kung kakampi ba o kalaban.