Nilikha ng Bathala ang mundo na may dalawang dimensyon -- ang mortal at immortal dimension Ang Immortal dimension ay pinamumunuan ni Luca Azura Dehavia o mas tanyag sa pangalang "Fallen Angel". Siya ang inatasan ng bathala na panatilihin ang kapayapaan sa dimensyong iyon. Sa Immortal dimension nakatira ang iba't-ibang nilalang. Ang mga pangunahing imortal ay ang mga bampira, werewolves, shapeshifters, at enchanters. Ngunit may iba pa namang mga nilalang na namamalagi rito. Hindi naging matagal ang pananatili ng kapayapaan sa immortal dimension. Simula nang maligaw sa dimensyong iyon ang unang lalaking mortal na nilikha ng Bathala na si Kilyas ay nabasag ang kapayapaan hindi lamang sa mortal dimensyon kundi maging sa immortal dimension. Si Kilyas ay pinagtaksilan ang kaniyang asawa at minahal si Azura. Nagbunga ang kanilang pagmamahalan at si Azura ay nagsilang sa limang bata, apat rito ay mga imortal, isang vampire, werewolf, enchanter at shapeshifter, at ang panganay naman ay mortal. Dahil sa mortal na bunga nabahala ang mga nilalang sa immortal dimension hindi nila matatanggap na ang mamumuno sa kanila ay isang mortal at kaya nagkaroon ng pag-aaklas. Tuluyan nang nagkawatak-watak ang buong dimensyon at nahati ito sa apat. Ang bawat grupo ay may sariling kandidato na gustong hirangin bilang tagapamuno nila. Lumipas ang ilang araw at mas naging mas magulo pa ang buong imortal dimensyon lalo na't ang apat sa anak ni Azura na mga imortal ay ganap ng mga dalaga at binata. Nakilahok ang mga ito sa pag-aaklas sapagkat lahat sila ay inaasam na pamunuan ang dimension. Nagawa ni Azura na iligtas ang anak na mortal ngunit upang magawa iyon ay ibinigay niya ang kaniyang buhay rito at ang buong kapangyarihan. Nang mamatay na si Azura ay naglabanan ang mga lahi. Nagwagi ang mga bampira. Magagawa pa ba kayang bawiin ng tunay na tagapamuno ang trono at ibalik ang kapayapaan sa buong dimensyon?