Habang papalapit sya sa akin unti-unting nagsisipasok sa isip ko ang mga ala ala ng kahapon. Hindi ako maaaring magkamali. Siya yun. May katamtamang laki ng mata pero parang singkit kapag tumatawa. May nunal sa kanang mukha na lalong nag emphasize ng malambot at medyo malaman nyang pisngi. Katamtamang height. Maputi at makinis na balat. Gayun pa man noong huminto na sya sa harap ko alam ko, hindi na sya kagaya ng dati. "Ano okay ka lang?" walang ano anu'y tinanong nya ako. Nakatitig parin ako sakanya. There's something different from her aura, her physical appearance. Different from before. But still, it's the same beautiful face. "Hoy!" biglang sumimangot ang mukha nya. Nagsalubong ang dalawa nyang kilay. Hindi parin ako makapagsalita. "Alam mo feeling ko kailangan mong magpa-ospital" sarcasm drew on her face. She grinned. "Aga.." Ayun lang ang unang nasabi ko matapos kong mabigla sa muli naming pagkikita. Nawala ang sarcastic na ngiti sa mga labi nya. "What?" She asked. Then crossed her arms. "A-are you..? .... Aga?" I asked back habang mataman paring nakatitig sakanya. Nagtaas sya ng kilay at lumapit ng isang hakbang papunta sa akin. "She's gone..." Nakipagtitigan sya sakin. "Long gone." After that last words she stepped back. Umirap sya at pagkatapos ay tumalikod palayo.