The new neighbor

5 0 0
                                    

"Alex pakitapon nga ng mga basura sa tambakan dyan sa kanto."

Lumabas ang Inay mula sa bago naming bahay bitbit ang dalawang malaking trashbag sa magkabilang kamay nya. Lumapit ako sakaniya at kinuha mga iyon.

"Bumalik ka agad nang maayos mo ang mga gamit mo sa kwarto mo ha?"

Aniya 'pag talikod nya pabalik sa loob.

"Opo"

Lumabas ako sa maliit na gate ng bagong bahay namin. Hindi namin binili ang bahay na 'to. Inuupahan lang namin. Lumipat kami kasi nadestino malapit dito ang Itay. Isa syang sundalo kaya kung saan sya iaassign lumilipat din kami ng bahay para malapit kami sakanya. Gusto niya kasi yung nakakauwi siya agad sa amin kapag araw ng pahinga nya.

Naglakad ako sa direksyon ng tambakan ng basura.

My name is Alexis John San Pedro Querubin. 13 years old palang po ako. Highschool student. Bukas aasikasuhin nang Inay ang pag-transfer ko sa school dito. Well, sanay na ako nang palipat lipat ng school kagaya nang nakasanayan ko na rin ang paglipat lipat ng bahay. Ayos lang naman. Hindi din naman ako friendly kaya wala akong mga close friends na maiiwan kapag umaalis kami sa dati naming tinitirahan. Masyado akong mahiyain para makipag kaibigan. After school diretso agad ako uwi sa bahay. Mag aaral, manonood ng TV, maglalaro  or tutulong sa mga gawaing bahay nang Inay.

Naitapon ko na ang mga basura nang may marinig akong tunog na parang may bumagsak sa di kalayuan

"Aw!"  Sabi nang batang babae na sumemplang sa bike. Nakaupo na sya sa semento. Nakahiga din ang bike nya sa tabi nya habang umaandar parin ang mga gulong. Hinawakan nya ang  kaliwang tuhod nya at hinipan hipan.

"Araaayy.." dumadaing parin sya habang pinapagpag ang mga alikabok na napunta sa nagsugat nyang tuhod.

Tutulungan ko ba sya? Kaso nakakahiya eh.

"Agaaaaa!!!!" May sumigaw ng malakas pero hindi ko alam kung saang bahay galing.

"Poooooo????!!!" Dali daling tumayo yung batang babae at itinayo rin ang bike nya. Mabilis syang umalis dala ang bike nya pero hindi nya iyon sinakyan. Lumiko sya sa malapit na kanto at nawala na sa paningin ko.

Ako naman ay bumalik na din sa bahay. Tinulungan ako nang inay ayusin ang mga gamit ko sa bago kong kwarto.

"Alex anak, mamaya pagkatapos dito tulungan mo akong magprepare ng tanghalian ha?"

"Opo"

Pagkatapos nga naming maayos ang mga gamit ko sa kwarto ay naghanda na kami ng tanghalian. Medyo gusto ko itong lugar na nilipatan namin. Ang presko. At ang tahimik. Magkakadikit ang mga bahay pero well-behaved ang mga tao. Maririnig mo talaga ang mga huni ng ibon at tunog ng mga insekto galing sa talahiban sa mga likod bahay. Siguro ganito talaga kapag subdivision. Pero hindi parin ako sure kung lahat ng subdivision ganito ka-peaceful.

Pagdating ng hapon nung medyo mababa na ang araw nagpunta ako sa terrace dahil malilim na. Free time ko ang ganitong oras sabi nang Inay kaya pwede akong maglaro ng brick game. Nasa kalagitnaan ako nang paglalaro nung may marinig akong sumisitsit. Hindi ko pinansin at baka hindi naman ako ang tinatawag. At tsaka hindi naman ako aso. Pero hindi parin tumigil ang paninitsit kaya binaba ko ang hawak ko at tumingin sa labas. Kasing height ko lang ang gate namin kaya makikita kung may tao sa labas pero wala naman akong nakikita. Muntik na akong sumigaw nung makita kong may nakasilip sa awang ng gate.

"Sino ka?!"

"Hello! Bago ka lang dito?"

Hindi ko sya masyadong makita, mata nya lang ang nakikita ko pero alam kong bata din sya dahil sa boses nya. Lumapit ako sakanya at binuksan ang gate.

Aga is goneWhere stories live. Discover now