Paano mo nga ba maitatago yung nararamdaman mo para sa isang tao sa loob ng isang napakahabang panahon? Dahil lang sa natatakot ka na baka layuan ka nito kaya mas pinili mo nalang na itago ang nararamdaman mo para sa taong ito? Paano kung may mangyaring hindi mo inaasahan? Paano kung huli na ang lahat? Maaamin mo pa ba sakanya ito? Malalaman paba Niya ito kung umalis siya pero kailan man ay hindi pa babalik pa? Love makes sacrifices kumbaga,handa mong itago yung nararamdaman mo para maging masaya lang siya sa piling ng iba. Nasa huli nga naman talaga daw ang pagsisisi.