Sa aklat na ito, inyong mababasa ang tunay na kabayanihan sa mga kabataan. Tumayong mga lider sa kanilang inilunsad na samahan laban sa mga kampon ng kasamaan. Ibinuwis nila ang kanilang buhay para sa kapayapaan ng ating Inang Bayan. Ang mga kabataang ito ay hindi basta-basta mga ordinaryong nilalang. May mga taglay ang bawat isa sa kanilang mga pambihirang lakas, talino, kakayahan at kapangyarihan. Ang kanilang samahan ay tinawag nilang "Kasanagan", at meron silang guro na tumuturo sa kanila kung paano gamitin ang kanilang kapangyarihan. Basahin po natin ang kanilang pakikipagsapalaran sa mundong karimlan.