Bunso sa magkakapatid na Borromeo si Lizandra(liza) kaya naman mahal na mahal ito ng magulang isa pa nag iisang babae lamang ito ng pamilya ,kaya ingat na ingat sa kanya. Kahit ang mga nanliligaw dito ay maingat na pinipili ng ama,hindi nito nais na mapunta lamang sa walang kwentang tao ang anak, Sa piyesta sa lugar nila sa Pampanga ay maraming kadalagahan ang nagtutungo upang makilala ang lalaking karapat dapat sa kanila,maswerte si liza ng gabing iyon dahil may nakilala nga siyang binata si Froilan ang binatang nagtitinda ng mga abrigo na basket sa vigan ,nabighani siya sa kabaitan nito at pagiging maginoo. Mula noon ay naulit muli ang kanilang pagkikita hanggang sa magpahayag ng pagibig si froilan kay liza,ngunit hindi nito nagawang umakyat ng ligaw ng malaman ng ama ni liza ang pakay nito ay pinagbawalan na siyang lumabas. Pinili niya ang pag ibig sa binata ,nagsama sila at bumuo ng pamilya. Handa kaya si Liza sa nakatagong pagkatao ni Froilan? Froilan nga ba ang totoo nitong ngalan? Sino si Madam Madeline sa buhay ng asawa?