Prologe

0 0 0
                                    

Pampanga 2024

Bagot na nakasalampak sa gilid na bahagi ng simbahan si Lindsey kasama ang ina,kasalukuyan silang nag ba-bakasyon ngayon sa probinsya ng kanyang ama,hindi nila kasama ito ngayon dahil nasa business trip ito sa Taiwan,taon taon ang kinaugaliang pagbisita nila doon tuwing magaganap ang pista,Labing walong taong gulang na siya,last month lang iyon nangyari.

Mahilig siyang gumala,past time niya kumbaga pero sa lugar na punong puno ng ilaw,bar hooping,club lahat na ata ng lugar sa manila sa mismong makati ay napuntahan na niya.nagtataka ba kayo kong paano siya nakakalusot para pumasok sa mga ganoong lugar gayong wala pa siya sa tang edad noon?.Isa lang naman siyang matalino at madiskarteng spoiled brat na anak ng businessman na si Theodore Borromeo ang nag iisang tagapagmana ng ari arian ng kanyang lolo Kulas,sabi ng daddy niya noon ay likas na daw na madiskarte ang ninuno nila kaya naman kahit hindi sila mayaman noong unang panahon ay nagawa ng mga itong magsikap at viola!mayaman na sila ngayon,dalawa lang ang anak ng lolo niya ang kanyang daddy at si Tita Nerissa na matandang dalaga,isa pa nga pala sa kinaiinis niya tuwing nag ba-bakasyon ay ang makita ang tiyahin niyang ni minsan ay hindi siya tinigilan na sawayin sa kanyang asal at pananalita,maging sa kanyang kasuotan ay nahihindik ito,pano matandang dalaga nga!inshort manang manamit.

Kahapon lang sila dumating dito sa pampanga at kasalukuyang nagpipisan sa ancestral house ng lolo niya na subrang ganda,hindi iyon old fashion na style ng bahay noon na spanish type,isa itong amerikan style of house.

The San Nicolas de Tolentino Parish Church, commonly known as Macabebe Church, is a 17th-century,Baroque style of Roman Catholic Church.Itinayo ito noong 1575, church located at Barangay Santa Cruz.Sila ngayon ay nagsisimba,nababagot siya sa haba ng misa madalang mangyaring sumama siya tuwing linggo sa mama niya dahil mas gusto niyang kasama ang barkada,nababagot din siya sa mansion nila sa makati dahil siya lang naman palagi ang naroon isipin pa na nag iisa siyang babae sa magkakapatid.Lima sila at siya ang gitna. Ang pinakamatanda sa kanila ay nasa 25 anyos na at ang bunso naman ay nasa limang taong gulang palang.Ang sabi ng mama niya ng minsang siyang mangulit noon kong bakit ang dami nilang magkapatid ay dahil sa bawat henerasyon daw ng pamilya ng papa niya ay isa o dalawa lang ang nagiging anak.Meaning sila lang sa angkan nila ang naka break ng record sa paliitan ng kasapi ng pamilya.

Ewan lang kong totoo iyon dahil mukha namang hindi,sadyang sweet lang ang parents niya at gusto lang magdagdag ng magdagdag ng anak,hindi naman masama dahil mayaman naman sila kahit pa nga maging sampu sila ay okay lang sa mga ito pero siyempre hindi nangyare dahil maagang na menopause ang kanyang ina matapos ng limang taon after nitong ipagbuntis ang bunso nilang kapatid.

"Lin,can you stop doing nonsense?"iritang saway ng mama niya.

Paano dahil sa bagot ay pinagti-tripan niya ang bata na nasa harap niya na naka pony tail hini-hila niya ang buhok nito at sa tuwing napapalingon sa likod sa harap niya mismo ay napapatingin naman siya sa ibaba niya at kunwaring nakalapat ang dalawang kamay tanda na nagdadasal siya.Paulit ulit na ginagawa iyon hanggang sa masaway ng ina.

"Labas lang ako Mom"paalam niya,na so-suffocate siya sa loob.

Tumango lang ito at humarap muli sa altar habang hindi inaalis ang paningin sa pari na nang sesermon sa harap.May pag kumpas-kumpas pa ito ng kamay.

Hindi naman sa binabastos niya ang pari o ang diyos sa harap sadyang hindi lang siya pala simba isa pa may tagpo sa kabataan niya noon na naging dahilan upang hindi na siya maniwala sa mga pari o kahit sa diyos?

Naglambong ang kanyang mata,ngunit madali ding umiling at kinontrol ang sarili.

Nakaraan na iyon bakit ba palagi paring sumasagi sa kanyang isipan?

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jun 16 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

The life of My HusbandTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon