Napadpad si Sandy, sa mundong sinauna sa pamamagitan ng pagliligtas niya sa isang taong magpapakamatay na , at ito ay ang kanyang matalik pang kaibigan. Nahulog siya sa mataas na building at pagbagsak niya ay nasa ibang mundo na siya ... Hindi niya lubos akalain na sa mundong yun ay isa pala siyang anak ng isang makapangyarihang pulitiko sa Pilipinas. Nabuhay sa ibang taon , maging sa ibang katawan. Sa mundong iyon din niya natuklasan ang pagmamahal at pag ibig. Ngunit ang lahat ng pangyayari ay may dahilan, dahilan na kung saan niya matutuklasan ang tunay na pagkatao ni Sandriyana at ang pagmamahalan nila ni Sivan na kung saan ay tutol ang kanyang magulang . Sapagkat si Sivan ay isang sundalong espnyol na kalaban ng kanyang ama .... Maipaglalaban kaya nila Sivan at Sandriyana ang kanilang pag-iibigan? At makakababalik pa bang muli , si Sandy sa Kasalukuyan?