Kabanata 2

1 0 0
                                    

Nasaan ako? Patay na ba ako? Nasa heaven na ba ako o baka naman nasa hell?

Heaven? Hell? Heaven? Hell? Heaven? Hell? Aishhhhh . Ano ba tong nasa isip ko.

Pero bakit ang lamig? Giniginaw ako tapos bakit parang basa ako?

Does that mean, nasa heaven na ba ako? Malamig eh.

Pagmulat ko ng aking mga mata ay , umuulan ng malakas at nakahiga ako sa lupa na maputik---saglit nga lang, holy cow carabao, NASA PUTIKAN AKO?!  So eeeeew!

Nagtataka man na nasa putikan siya dahil wala namang lupa sa tapat ng Daychel Building sapagkat puro kalsada doon. Ngunit isinawalang bahala niya na lang yun .

Pero buti na lang talaga buhay pa ako.

"Ah-aray, aray ko, napakasakit naman ng pwet ko ." Marahil dala ito ng aking pagkabagsak.

Umupo si Sandy upang makapa niya ang masakit.

Pagkapa ko ng aking pwet....

Teka bakit parang.....parang..... Ang KAPAL NG SUOT KO?!  Saka.....

"Teeeeka bakit parang naka saya ako??"
Tanong niya sa sarili. Pagtingin niya sa suot niya ay nakasuot nga siya ng filipiniana na saya.

Napakaputik ng kanyang puting saya ngunit , naagaw pansin ni Sandy ang mga palamuting kumikintab na naka disenyo rito kahit na naputikan ang kanyang suot .

Napagtanto niya ang mga bagay-bagay. Hindi ba't patay na dapat ako? Ngunit Paano??--Bakit?? .

Kinurot ni Sandy ang kanyang pisngi upang malaman kung nananaginip ba siya at kung totoo ba ang mga pangyayaring ito.

Ngunit naramdaman niya ang sakit ng pagkurot sa sarili . Kaya't paniguradong buhay pa siya.

"Buhay ako? Pero nasaang lugar ba ako?" Tanong niya sa sarili.

Wala siyang nakikitang bahay o mga gusali. Puro puno ang nakikita niya sa paligid . Sa palagay niya ay nasa kagubatan siya. Tumayo si Sandy sa pagkakaupo.

"Aray ko ang sakit talaga ng puwet ko."
Paika-ika siyang lumakad kahit na malakas ang ulan ay naglakad siya kahit na pa ika ika ito.

Pa tingin-tingin siya sa paligid ngunit puro puno ang kanyang nakikita hanggang sa parang may naaaninag o nakikita siyang tao ngunit nasa malayo ito.

"Tulong! Tulong po! " Ubod ng lakas na kanyang sigaw sapagkat napakalakas ng ulan. Ngunit di ito narinig nung nakita niyang tao kanina.

Sinundan ni Sandy yung tao ngunit ang kasabay ng pag tila ng ulan na naging ambon na lamang ay siyang pagkawala ng tao na kanyang sinusundan.

Ngunit may narinig siyang bumubuhos na tubig na ubod ng lakas. Pag lingon niya sa likod ay mayroong talon.

"Ang gandaaaaa." Namamanghang sabi ni Sandy sa sarili.

Nagtampisaw siya sa tubig hanggang sa lumusong ito upang maligo. Natagtag ang mga putik sa katawan nito maging ang mga putik sa saya niya . Ngunit ang ikipinagtataka niya ay bakit ang puti ng kanyang balat mistula'y mistiza sa puti . Gayong hindi naman siya ganitong sobrang ka puti at kakinis, sapagkat morena siya , mahilig kasi siya na mag sun bathing. Ngunit ipinagsawalang bahala na niya na lamang ulit ito.

Kahit na hindi siya marunong lumangoy ay ayos lamang dito sapagkat mababaw lamang ang tubig kahit na umulan.

Nagpunta siya sa bumabagsak na falls upang makapag shower at matagtag ang mga dumi sa kanyang ulo.

Mabuti na lamang at uminit pagkatapos niyang manligo upang siya ay matuyo. Nagbilad siya sa araw at nag sun bathing kahit na naka saya sapagkat gusto niya ring matuyo ang kanyang damit .

Humiga siya sa malapad na bato sa tabi ng falls at ipinikit ang mga mata.

Matapos ang ilang oras ay hindi niya namalayan na naka tulog na pala ito . Nagising siya ng nararamdaman na niya na humahapdi ang kanyang balat at mukha kaya naghilamos siya at binasa ang mga braso. Hindi na niya binasa ang kanyang hita at binti sapagkat taklob naman ito ng saya at hindi rin naman ito mahapdi.

Nang nasa lilom siya ay naghintay si Sandy ng ilang oras upang tuyuin ang kanyang saya. Nang matuyo na ito ng husto ay agad siyang tumayo sapagkat may naririnig siyang umiiyak na babae.

Natatakot siya dahil baka isa itong baliw o mas malala isang kaluluwa na namatay dito sa falls. Oh my gooood , ito na ba ang katapusan ko? Ma te-tegi na ba ako ng tuluyan dito?

Susko po lord, magbabago na po talaga ako. Magiging mabait na talaga ako pramissss .

With matching cross fingers pa.

"S-sino ka?!" Naghanap si Sandy ng sanga na maaaring i pang self defense kung sakaling isa itong nakakatakot na nilalang . Ngunit nagulat siya ng biglang may nagpakita na babaeng nakasuot din ng-- saya?

Tapos bigla na lang siyang niyakap ng babae.

Nabitiwan niya ang sanga. Umiiyak ang babae na kanina lang ay yumakap sa kanya. Hindi pala umiiyak, humahagulhol.

Kung kanina ay ipinagsasawalang bahala niya lamang ang mga wirdong pangyayari . Ngayon naman ay kinakabahan na siya.

Malala na talaga ito. Nananaginip lang naman ako di ba? Tama.... Tama. Nananaginip nga lang ako.

"Prinsesa Sandriyanaaaa patawarin niyo po ako." Biglang lumuhod ang babae na siyang ikinalaki ng mata ko. At saka tinawag niya ba akong Sandriyana? Tapos prinsesa? Di ko maintindihan. Ang weird weird na talaga ng nangyayari sa buhay ko.

"Panaginip lang to, tama, panaginip lang." Saad ni Sandy habang tinatampal ang kanyang sariling pisngi

Habang nakaluhod ang babae ay mas lalo akong nagulat sa kanyang sinabi.

"Nararapat po akong mamatay mahal na Prinsesa." Humihikbing sabi niya.

"Susmaryosep santisima . Tumayo ka nga diyan, saka sino ka ba ha??"

Pinatayo ko siya at nasilayan ko ang kanyang mukha ,maganda ang kanyang mukha, may hitsura siya ngunit pagang paga ang kanyang mata sa kakaiyak . Hayyyss ano bang gagawin ko sa babaeng ito , hindi tumigil sa kakaiyak.

"Prinsesa Sandriyana, hi-hindi niyo po ba ako naaalala."

Umiling ako dahil hindi ko naman siya kilala.

"Hindi kita kilala , at saka hindi Sandriyana ang pangalan ko. Isa pa hindi rin ako prinses-- "

"Ibig sabihin ba ay nakalimot kayo?! Naku po malaking problema ito."

Sasabihin ko sana na Sandy ang pangalan ko . Tapos pagbibintangan niya akong may amnesia?!  Ano siya, hilo?? Wika ko sa aking isipan na hindi ko kayang sabihin.

May dumating na dalawang kabayo na makisig at parang naka uniporme na dalawang lalaki na naka pang general ang suot. Wow , its so cool .

Yung isa matanda ngunit nakakatakot ang aura niya ha , yung isa naman makisig tapos ang wafuuuu.

"Ang astig naman ng porma mo pogi hihi ." I giggled. Ang angas ng porma niya grabeee .

Nagkatinginan naman ang dalawang nakasakay sa kabayo at sinamaan ako ng tingin ng medyo may katandaang lalaki. Tatay niya siguro ito.

"Hehehe." awkward akong tumawa sa kanila. Kasi nakakailang naman talaga!!! Dahil kahit na yung babaeng yinakap at umiyak sa akin kanina nakatingin din sa akin at umiiling-iling na malalim na napa buntong-hininga .

----

Sandy na nag sa-sun bathing hahaha ^_^

Sandy na nag sa-sun bathing hahaha ^_^

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Aug 01, 2022 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

The promiseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon