Parang umiikot ang paningin ni Hannah bakit ganun napahawak nalang sya sa kanyang ulo tila para na itong mababaliw. Hindi na nya alam ang gagawin. Nang biglang lumabas si james sa kwarto. Anak saan ka pupunta tanung ni Hannah sa anak. iinum lang po ng tubig.sagot nito sa ina, hindi ka ba natatakot, dagdag na sabi nito sa anak. Hindi lumingon si james tuloy tuloy sya sa kanyang paglakad, hanggang sumigaw si Hannah. Pinigilan nya ang anak wag daw muna itong lumabas nang kwarto. Lumingon si james nanlilisik ang mga mata naging maputla ang mukha at nakakatakot. Anak anung nangyayari sayo sigaw ni Hannah sa kanyang anak. Gusto ko lang makipaglaro kay Kevin at tuluyang lumabas ng kwarto. Sa bilis ng pangyayari hindi napigilan ni Hannah ang anak. Sinundan nya ang anak ngunit bigla itong nawala.