Totoo pa lang mapagbiro ang tadhana. Dahil nang maglayas si Francesca at mapadpad sa mansyon ng mga Lagdameo; hindi niya akalaing magkukrus muli ang landas nila ni Leandro - ang lalaking bumihag sa kaniyang batang puso noon. Kaya sa halip na mabawasan ang problema, ay mas lalo lang nakadagdag sa isipin ang kakaibang kabog ng kaniyang dibdib sa tuwing makikita ang lalaki. Ano'ng gagawin niya? Paano ba niya sasawayin ang pesteng puso sa kakatwang pagtibok nito?