Sa milyon milyong tao sa buong mundo, may natatangi at nag-iisa lamang na tao ang nakalaan para sa atin. Maaaring nakasalubong na natin ito minsan, o kakilala na natin noon pa man. Hindi natin masasabi kung kailan at saan ang takdang oras ngunit darating din sila sa tamang panahon at tamang pagkakataon. Hindi natin alam at walang ibang nakakaalam. Kaya kapag natagpuan mo na siya, 'wag mo na hayaang paghiwalayin pa kayo ng tadhana dahil hindi natin alam kung ano ang pwedeng mangyari. Huwag nating hayaan na magsisi tayo sa huli at mauwi nalang sa GUNITA ang lahat.