Francine Beatriez Alcaraz. Isa lang naman ang hiling ko, ang makatapos ng pag-aaral. Tinitiis ko ang usok ng sigarilyo, amoy ng alak, dumi ng paligid at gamit na nagkalat sa bar na pinagtra-trabahuhan ko. Para makatapos ng College ay nag pa-part time ako sa Sky's Bar. Malapit lang ito sa dorm na tinutuluyan ko kaya hindi ako nagdalawang isip na mag-apply. Maganda naman ang pakikitungo sa akin ng mga kasama ko dahil sa katunayan ay halos iisa lang kami ng mga pinadadanan. College Student din sila na nagsisikap. Ulit-ulit lang ang cycle ng araw ko, papasok sa umaga at uuwi sa hapon tska magtra-trabaho sa gabi. Hindi ko maipagkakaila na nababastos na rin ako minsan sa trabaho ko pero wala na akong magawa dahil nga hindi ito maiiwasan. Akala ko ay isang normal na araw lamang ang mangyayari sa akin pero nagbago ito ng makilala ko si Teron Zentrous.