It is not love, but an obsession. Matatawag mo nga bang pagmamahal ang nararamdaman ng isang tao kung ito ay dinadaan sa dahas, sa manipulasyon, at sa mga walang katotohanan na lamang ang mga pilit niyang pinapaniwala sa iyo? Mahal ka ngunit puro pananakit at panlilinlang ang iyong natatanggap mula sa kanya. Mga rason niyang ayaw ka niyang mawala sa piling niya, ayaw ka niyang maagaw ng iba. Mas pinipiling ikulong ka kaysa bigyan ng kalayaan. Iyan ba ang tunay na depinasyon ng pagmamahal? O isa na naman itong walang kabuluhang bagay?