Isang lalaki ang aksidenteng nakilala ni Francine sa party. Dulot ng espiritu ng alak ay nasabi niya rito ang kanyang nasasaloob. Ibinigay nito sa kanya ang perang kailangan niya para sa operasyon ng kanyang ina-at nagtaka siya kung bakit wala man lang itong hininging kapalit sa kanya. Maliban sa nalaman niyang "AR" ang initials nito, hindi na niya nakita uli ito. Hindi nagtagal ay nakilala niya si Ron Rodriguez. Taglay nito ang mga katangian ng isang lalaking gusto niyang makasama habang-buhay. Ngunit muli't muli ay bumabalik sa kanyang alaala ang guwapong si AR. Kung puwede lang sanang si Ar at si Ron ay iisang lalaki...