Sabi nila, may Karapatan ang isang tao na mamili kung sino ang mamahalin niya, papakasalan niya, at pakikisamahan niya panghabang-buhay. Tama nga naman. Pero pano kung dumating ang araw na ikakasal ka alang-alang sa sinasabing "kabutihan" at "katiwasayan" ng inyong mga buhay, hanggang sa lumipas ang mga araw at nakikita mong onti-onti ng nasisira ang matagal mong pinapangarap na buhay ng isang taong kasal? Pipiliin mo parin bang manatili kahit nasasaktan ka na? Ito ang kwento ni Denise Julie Finich, ang lalaking kinasal sa isang walang pusong taong si Blade Anderson Llaya. Kasal na purong kasunduan lamang ng kanilang mga magulang, at wala ng iba. Wala nga ba? Hanggang saan pang-aabot ang kwento nila? Magiging maganda kaya ang katapusan? Abangan