Si Erah Jane Montebello ay normal lamang na babae na taga-hanga ni Genevieve Hiyori De la Fuentes na nagmula naman sa mayamang angkan. Alam niyang mali ang mag mahal ng kapwa niya babae, pero mapipigilan ba ang puso? Gaya ng isang bulaklak ay nagsusumamo ang dalaga na sana umusbong din iyon kagaya ng pag-ibig ni Genevieve sa kaniya, na sana balang araw ay maramdaman niya. Ngunit, magiging patas kaya sa kanila ang mundo nilang mapanghusga? Matutuloy ba ang pagmamahalan ng dalawang tao na pareho ring bulaklak?