Marra Zusette Monreal, thirty and still single. Sa edad niyang iyon ay totoong problema na siya ng kaniyang ama't ina. Halos ipamigay na nga siya para lamang makapag-asawa na. Dahil sa panloloko ng kaniyang ex-fiance at bestfriend niya, nagkaroon ng takot si Marra na sumugal sa isang relasyon. Kaya sa edad niyang iyon, single pa rin siya. Hindi naman siya natatakot na baka malipasan na ang kaniyang matres. Tinanggap na nga niya sa kaniyang sarili na tatanda siyang virgin. Ngunit mukhang hindi iyon ang inadya sa kaniya ng Panginoon nang makita niya si Zeb Villafuerte sa kasal nina Theo Ballmer at Kitty. Bigla, nabago ang pananaw niya sa buhay. Gusto na niyang mag-asawa. Nang ayain pa siya ni Sephany na magbakasyon sa San Diego kung saan nakabase si Zeb ay wala pang pagdadalawang isip na pumayag siya. Doon niya mas nakilala si Zeb dahilan para mas mahulog siya rito. Ngunit ang Doctor na si Zeb, para bang allergy pa sa babae dahil hindi umuubra ang pagpapa-cute niya rito. Kaya naman isang misyon ang nabuo sa kaniya. Iyon ay ang i-seduce ang binata.
1 part