Balang araw ay magiging mayaman ako! Iyan ang motibasyon ni Maria Gloria Jesusa Castillo o kilala sa palayaw na Jes. Lumaki siya sa poder ng kaniyang tiyahin na si Aling Mercedes, ang kapatid ng kaniyang yumaong ina. Dahil dito ay maaga siyang sumabak sa mga beauty pageant para pagkakitaan ang kaniyang maganda at sexy na katawan. Sabi nga ng tiya niya, nasa kaniya na raw umano ang physical appearance, huwag lang isali ang kaniyang utak. Hindi naman kasi lingid sa lahat na medyo may pagka-boba siya o sa simpleng salita...hindi matalino. Sa edad niyang twenty-one years old, ay hindi siya nakatuntong ng kolehiyo, dahil kahit entrance exam pa nga lang ay hindi siya makapasa. Nag-divert siya ng plano para yumaman, iyon ang makakita ng 'afam' or matandang lalaki na malapit nang mamatay. So, nang ma-browse niya ang isang 'Dating App' na naghahanap umano ng temporary partner ay agad siyang nag-apply, she found Giordano Vlaudimir Fuentabella, thirty-one years old, isang half Italian- half Filipino, single dad, super gwapo. She accepts his request at doon magsisimula ang kaniyang pagiging goal-digger, este, second wife pala!
1 part