Pilit mo mang kalimutan ang nakaraan ay wala kanang magagawa kundi tanggapin ang katotohanan na hindi na talaga pwedeng ibalik ang masayang pag-iibigan. Mahirap man ngunit kinakaya para sa nag-iisang anak mong hindi ka kailanman iniwan sa hamon ng buhay. Ngunit, paano mo matatanggap na ang taong pinagdasal mo na hindi na makikita ay muling magpapakita sa'yo? May second chance pa bang mabubuo para lamang may matatawag na ama ang iyong anak o takot ka ng umibig muli lalo na sa matinding galit niya sa'yo? Kaya mo bang akitin ang taong kinamumunghian mo, kung sa bandang huli ay ikaw naman itong masasaktan?