Ilang beses nang naka-encounter ni Belinda si Mike. Nang umuwi siya sa kanilang probinsiya ay nakatabi nya ito sa upuan sa bus at nakakuwentuhan. At habang namamasyal siya sa may dalampasigan malapit sa kanilang bahay ay muli silang nagkatagpo. Sa mga pagkakataong lyon, ni minsan ay hindi sila nagkaroon ng pagkakataong magkakilanlang mabuting guwapong lalaki. Mga sandaling pag-uusap lamang ang namagitan sa kanila. Ngunit simula noon ay hindi na ito nawaglit sa kanyang isipan. At hindi niya maintindihan kung bakit mayroon siyang naramdamang kakaiba sa kanyang puso sa lalaking para sa kanya ay isang estrangherong dumaan lamang sa kanyang buhay. Sa ikatlong pagkakataon, muling naglandas ang kanilang daan ngunit hindi na katulad ng dati ang pakikitungo nito sa kanya. Ang dati nitong magiliw na pakikitungo sa kanya ay nahalinhan ng galit. Hindi na siya nagtataka kung bakit....