Sa mundo ng social media, ang mga sikreto't kasinungalingan ay kayang itago mula sa reyalidad. Para kay Prince Andrei Gagarin, ang 4-year age gap ay tila malaking hadlang sa kanya para aminin kay Savvanah Smith ang kaniyang nararamdaman. Sa pamamagitan ng RPW o Role player World, nakahanap si Prince ng paraan upang mapalapit kay Savvanah nang hindi nito nalalaman ang kaniyang tunay na katauhan. Gumawa si Prince ng role-play account, gamit ang mukha ng kaniyang pinsan na isang famous gamer/live streamer, to connect with Savvanah anonymously. Subalit sadyang mapaglaro ang tadhana, nalaman ni Prince na malapit na kaibigan pala ng kaniyang pinsan si Savvanah. Nawindang ng labis si Prince, hindi nya alam ang gagawin. Sooner or later pwede silang magkita ni Savvanah dahil sa pinsan nya! In a surprising twist, ibinunyag ni Savvanah kay Prince na alam nya ang katotoohanan sa likod ng RP account nito. Dito papasok ang greatest "what" if ni Prince, "What if... gusto ni Savvanah ang pinsan ko?!"