"Hindi mo ako maaaring takasan" sambit ni Alas Alegria sa kanyang mapapangasawa na si Fiona Villaluz. Hindi inaasahan ni Fiona na ang ipagkakasundo ng pamilya niya sa kanya upang ipakasal ay ang kanyang first love, halos sumabog na si Fiona sa tuwa nang malaman niya ang balita na iyon. Napagkasunduan ng dalawang pamilya na magsasama ang dalawa sa iisang bahay habang sila ay nag-aaral pa lamang. Hindi kasi nais ni Alas na ikasal agad sa taong gusto ng magulang niya. Ang inaasahan ni Fiona na masayang pagsasama ay naglaho na parang bula. Hindi maganda ang trato ni Alas sa kanya, ika nga ng mga kaibigan ni Fiona, isa siyang kasambahay ni Alas. Maraming pinapagawa sa kanya ang kanyang minamahal ngunit hindi sumagi sa kanya na humindi kay Alas, mahal niya nga raw ito. Hindi niya inakalang tatratuhin siya nang ganito ng kanyang first love ngunit hinayaan niya lamang ito dahil ito ang una niyang pag-ibig. Ano nga ba ang mangyayari sa pag-ibig ni Fiona? Itinakda nga ba siya sa taong puro sakit at pighati ang idinulot sa kanya o may iba pang itinadhana na para sa kanya. Is she his Lovely Victim or he just wanted to get out of their situation and to stop their wedding?
5 parts