Abala ako sa paghahanda ng agahan namin ni Alas. Kung hindi ako nagkakamali, umalis ng maaga si Wendy dahil may gagawin pa raw ito sa kanilang bahay. Sa tuwing magtatagpo ang mga mata namin ni Alas, agaran akong napapaiwas.
Hindi matanggap ng aking isipan ang pagtataksil na nagawa nilang dalawa. Alam ko, alam kong wala pa akong karapatan ngunit alam ni Wendy kung ano ang tunay na nadarama ko kay Alas, paano niya nagawang pagtaksilan ako? Bakit?"Are you done?" Napatingin ako sa gawi ni Alas, ito'y nakapagbihis na, mukhang handa na itong umalis.
"Okay na, kumain ka na" Sambit ko. Pinilit kong huwag mautal sa kadahilanang baka siya'y may masambit na hindi kanais nais.
Umupo siya at ako naman ay naglunsad ng mga kamay at naglakad patungo sa ikalawang palapag ng aming tahanan, naroon kasi ang aming mga silid. Pagpasoko sa aking silid, agad akong napaupo sa kama at hinawakan ang aking dibdib.
'hindi ko dapat siya kinausap'
Tama naman si Alas, may agreement kaming dalawa. I should mind my own business. Hindi ko rin naman naipagtapat ang tunay na nararamdaman ko sa kanya dahil takot ako na baka hindi niya matanggap. Mahal ko siya at yon ang totoo.
Nagsimula na akong mag-ayos sa aking sarili.
Una kong nakilala si Alas sa aming paaralan no'ng kami ay nasa highschool pa lamang. Doon ko napagtanto na tunay pala ang sinasabi nilang parang tumitiggil ang pag-ikot ng mundo kapag nakikita mo ang taong minamahal mo, ganoon kasi ang nangyari sa akin no'ng una ko siyang makita. Isa siya sa mga sikat sa aming paaralan dahil sa taglay nitong kabutihan, gwapo, maputi, matangos ang ilong, itim na buhok, matangkad na may pagkapayat, at higit sa lahat ito ay matalino. Dahilan upang mas mahulog ako sa kanya.
After highschool, hindi ko na siya muling nakita dahil hindi same school ang pinasukan namin noong senior high school, labis ang paghihinagpis na noon dahil hindi ko man lamang nalaman kung saan ito nag-aaral upang kahit papano ay madaanan ko ang paaralan na iyon at upang mapagmasdan ko lamang siya kahit mula sa malayo.
Akala ko doon na magtatapos ang unang pag-ibig ko, na hindi ko na makikita ang unang taong nagpatibok ng aking puso. Ngunit nagbago ang lahat nang siya'y makita ko sa aming campus, isa siyang engineering samantalang ako ay food tech student, magkadepartment ang aming kurso kaya nakita ko siya noong nagkaroon ng orientation sa aming department. Labis ang aking tuwa dahil nakita ko siyang muli, hindi niya man ako kilala ang mahalaga ay nakita ko na siyang muli.
Sa hindi inaasahang pagkakataon, nakita ko siyang muli ngunit hindi sa campus kundi sa aming family meeting, pareho kaming nagtataka kung bakit ang aming pamilya ay nasa iisang lugar.
Ilang oras ang nakalipas ay inanunsyo na ng aking magulang na ako ay ipinagkasundo nila sa Alegria Familia, noong una ay nagtataka ako. Anong ipagkakasundo na sinasabi nila? Ipinaliwanag ng aking Ama na ako ay ikakasal sa isang anak ng Alegria, kunot noo pa akong nagtanong kung kanino ako ikakasal at halos matunaw ako sa tuwa at kaba nang sabihin ng aking Ama na kay Alas Alegria ako ikakasal, sa aking first love.
Hindi ako makapaniwala na ikakasal ako sa taong aking minamahal ngunit no'ng mga oras na 'yon, pinilit kong huwag ipakita ang aking tuwa at excitement.
'I don't want to get married' iyon ang unang sinambit ni Alas na ikinaguho ang mundo ko ngunit agaran din iyong nawala dahil sa idinagdag niya.
'I want to... I'm not ready yet. Can we just live together while we're still studying?' he suggested. Kung alam niya lamang na gusto ko siya, baka kanina pa ako nakatayo at ipinipilit sa pamilya ko na ikasal na lang kami upang hindi na siya makahanap ng iba ngunit hindi naman iyon tama kahit alam niya pa na gusto ko siya.
We had an agreement. Hindi ako payag sa iba ngunit ayaw ko namang isipin niya na gusto ko siya.
AGREEMENT:
Party A: Alas
Party B: Fiona1. Party B is not allowed to get inside to Party A's room. (Party B is allowing Party A.)
2. Both are allowed to date someone else
3. Both are allowed to have visitors
4. Part B is responsible for household chores
5. Party A is responsible for fixing what's broken to their house.
6. Both are not allowed to fall in love with each other.
7. Both should mind their own business
8. Both should let each other know if one of their parents is at their house.Party A: Signed
Party B: SignedNakakatuwa, hindi ba? Hinahayaan ko siyang pumasok ng aking silid dahil gusto kong malaman niya na wala akong iba, ngunit hindi naman siya pumapasok sa aking silid, sabihan ko na lang siya na hindi ko na rin siya pinapayagan. Wala nga pala akong karapatan na tumungo sa loob ng kanyang silid.
Pagkatapos kong mag-ayos ay bumaba ako at tumungo sa kusina, nakita ko siyang nakaupo na sa living room at nagbabasa ng diyaryo, mahilig siyang magbasa sa latest news sa diyaryo kaya madalas ay lumalabas ako upang bumili niyan dahil ayaw niya naman daw.
Bumuntong hininga ako bago iniligpit ang kanyang pinagkainan at naghanda na rin ng aking ibabaon sa paaralan. Hindi ko hilig ang bumili ng pagkain sa cafeteria dahil hindi naman ako ang nagluto.
"Are you done? Let's go!" Sigaw ni Alas mula sa kanyang kinauupuan.
Naghugas muna ako bago kunin ang aking mga gamit sa aking kwarto. May laboratory kami ngayon.
"Finally" aniya habang nag-aayos ng kanyang pantalon at naglakad na palabas. Sumunod ako sa kanya.
May kotse siya kaya hindi ko na kailangang mamasahe patungong school, tho alam ko naman na napipilitan lang siya ngunit ano nga ba ang magagawa niya? Pamilya niya ang may nais nito at hindi siya.
Magkaiba ang building namin kaya madalas ay ibinababa niya na lang ako sa gate, ayaw niya rin na makita ng iba na magkasama kaming dalawa.
Kahit na madalang niya lang akong kibuin, ang makita lang siya na kasama ko ay labis na ang tuwa ko. Tumungo na ako sa aming building upang hindi ako malate sa aming unang klase.
BINABASA MO ANG
My Lovely Victim
Romance"Hindi mo ako maaaring takasan" sambit ni Alas Alegria sa kanyang mapapangasawa na si Fiona Villaluz. Hindi inaasahan ni Fiona na ang ipagkakasundo ng pamilya niya sa kanya upang ipakasal ay ang kanyang first love, halos sumabog na si Fiona sa tuwa...